Huwebes, Pebrero 13, 2014

Isyu ng F at P

Pahayag: Ano kaya kung Filipinas na ang ngalan ng bansa?

ito ay Fara sa Bayan........

Tayo ay tatawaging Filipino at Filipina, sa pangkalahatan tayo ay tatawaging "Finoy". sosyal diba...

Ang tawag sa malanding babae ay FokFok
At ang tawag sa ari ng babae ay Fuke

eh kung sa usapan kaya:

"uy frends iba na fala ang fangalan ng ating bansa?"
"Ay oo nga ang alam ko ay Filipinas"

*note pawang kalokohan lamang ito......
sa inyo anong masasabi ninyo sa pagpapalit ng pangalan ng bansa.....

at pahabol lang
”Idamay nyo narin ang peso gawing feso, pambansang laro gawin nyo narin sifak takraw at fambansang kamao gawin narin facqiuo, ang balot penoy gawin nyong fenoy, at pati mga nakaufo falitan niyo na rin fara masabi may nagagawa kayo.

Falitan nyo na kaya lahat, gaya ng Fanot, Farlor,Fandisal Fara Fare-Fareho na. Fambihira!”

haaaay umiinit ang Fanot ko sa ulo...


Pero sa aking pananaw, sinasabi nila na ito ay maka-elitista at nakakagulo dahil iba ang ngalan ng bansa pag sa tagalog at sa ingles (Pilipinas at Philippines), pero hayaan na natin na ito na lamang ang ngalan ng bansa sapagkat ito ay nakasanayan. Dapat nuon pa man ay dapat nang pinalitan. Sapagkat maraming pagbabago ang magaganap lalo na sa bansang salat sa yaman (Dahil sa mga ganid na pulitiko), at puro korapsyon ay baka wala nang pakialam ang tao sa isyu na iyan. Malaking gastos lamang ito. Maganda rin na ito ay nasimulan at dapat sigurong bigyan ng mas lalong comprehensibong kaalaman ukol sa isyu na ito at darating ang sapat na panahon upang pagusapan ang isyung ito.

Bakit kaya ang scandal
ang bilis kumalat...
Ang bilis bumenta...
Ang bilis pag usapan...
Ang bilis pagpasahan...

Pero pag word of God
Ang bagal mag spread out..
Ayaw pag aralan...
Iniiwasan pag usapan...
Ayaw mapasahan...

Try to analyze?
Tactic ng kalaban ni God yan pra ma disturb ang tao at lalong mawala s focus sa kung ano ang dapat...
"Sa maikling panahon ng ating pagsasama,
Dumating na ang araw na ako ay lilisan na,
Susulitin ang oras at pagkakataong natitira,
Nawa'y sa paglisan ako'y pumayapa na."

Paalam

Isang tula na aking gawa.....
"Nakakalungkot at nakakatuwang isipin na ang isang banyaga ang nag-aaral ng wika ng ating bansa"

nakakatuwa dahil sila ay mismong may interes sa iba't ibang wika o Dayalekto ng ating bansa kahit hindi sila Filipino.....

Nakakalungkot dahil maski tayong mga Filipino ay walang interes sa ating wika at nangunguna pa ang banyagang pag- aralan ang wika o dayalekto ng ating bansa.....

Summer Institute of Linguistics....


Dahil ngayon ay February at alam kong maraming mapuputukan at lulubha ang lindol. Eh! asikasuhin muna antin ito.
Ngayon ay Philippine Arts Month, ating pahalagahan at magkaroon ng pagmamahal hindi sa syota kundi sa sining bilang bahagi ng kultura ng ating bansa. Mahalaga ito sapagkat dito makikita ang diverse culture in terms of arts ng ating bansa at repleksyon ng ating pagka-Pilipino. Nawa'y suportahan natin ito.




MUSIKA AT KORAL (Music and Choral)

HIndi ko alam kung bakit bigla kong nagustuhan ang larangang ito. Basta nung bata ako bumibirit lang ako ng isa sa sikat na kanta na naging OST ng sikat na pelikula noon na "TITANIC". Hindi ko alam kung maganda ang boses ko basta may boses ako. Pero simula high school pa lang ay gusto ko na ang musika at sumali sa isang choral group. Pero walang ganoon sa aming paaralan. Ang bagay na biglang nagbigay sa akin ng pagkakataon upang mahalin ang musika at ang choral nung ako'y nasa kolehiyo na. Nang marinig ko ang PLMar Chorale na isa sa magaling at maganda kong napakinggan. Ang galing nila sobra. Napahanga ako. Gusto ko sumali pero hindi ako nakaabot. Pero dahil sa isang kaibigan ay napasama ako at naging miyembro.

"Ang buhay ay parang musika, minsan nasa tamang tono minsan sintunado"

Ganyan ang buhay ko nang simula akong sumali. Pero nagpatuloy ang pagkahilig ko sa musika at choral. Pero nabuwag ang sinalihan kong choral na PLMar Choral. Kahit ganoon ay nagpatuloy ako at kasalukuyan ang miyembro ako ng panibagong choral group, ang "PLMar Chanber Singers".

Gusto ko rin makabuo ng isang choral group. Nag-aaral na akong mag keyboard at sana ay isa sa gusto kong magawa ang pagpunta ng iba't ibang seminar at palihan tungkol sa choral singing. Sana makapagaral ako sa U.P College of Music upang maging tunay na conductor ako sa hinaharap.

"Hapdi"

Di mapaliwanag na mga damdamin
Hindi rin alam kung bakit ito dumating
Nawala ang saya, pumalit ang lungkot
Ang mga ngiti sa labi ay tila hinablot
Hindi mapakali, hindi mapalagay
Ang dating maligalig naging matamlay
Nakakapit sa pag-asa na sana makalimot
Ngunit nariyan nagpapaalala ang bawat kirot
Kahit labis ang hirap na ito's matanggap
Maghihintay na lang na maghilom ang sugat
Titiisin na lang din ang hapdi at sakit
Ganyan pag broken hearted, o pag may hadhad sa singit